Saturday, January 2, 2010

Erich at Enchong, kinawawa si Ejay

    Nakakaawa si Ejay Falcon kanina sa bagong ASAP XV.

    Guest kasi si Ejay at sina Erich Gonzalez at Enchong Dee for a double promo: para sa finale ng "Katorse" at sa premiere ng "Tanging Yaman".

    Paglabas pa lang ng tatlo sa stage for their song number ay naka-holding hands na sina Erich at Enchong. Patingin-tingin si Ejay sa dalawa while singing pero ang dalawa ay parang may sariling mundo.

    Nagmistulang parang background o anino na lang si Ejay nina Erich at Enchong. 'Til the end of the song ay 'di man lang pinansin ni Erich si Ejay.

    At 'di pa diyan nagtatapos ang kaawa-awang sitwasyon ni Ejay. During their interview with hosts Jericho Rosales at Karylle ay pumwesto si Karylle sa gitna nina Erich at Enchong. But Erich moved away from Ejay at tumabi kay Enchong.

    Even the audience ay nakiayon din. When asked who between Ejay at Enchong ang gusto nilang makatuluyan ni Erich sa "Katorse", most of them shouted Enchong's name. Say tuloy ni Ejay, "Kawawa naman ako n'yan".

    Mukhang galit pa nga itong si Erich kay Ejay. It all started kasi nang sabihin diumano ni Ejay na sumikat lang daw si Erich because of him.

    Ayon naman kay Ejay in one interview, it's not true daw dahil wala raw
    siyang karapatang sabihin 'yon.

    Sabi ni Erich noon, magpapaka-professional na lang daw siya in working
    with Ejay pero base sa napanood kanina sa ASAP ay mukhang hindi naman.

    Eto, panoorin niyo na lang po (uploaded on Youtube by RoseFrancheska13):

    Sana maayos na ang gusot sa kanila. Calling Star Magic!

    Source URL: http://wallpaperimporting.blogspot.com/2010/01/erich-at-enchong-kinawawa-si-ejay.html
    Visit wallpaper importing for Daily Updated Hairstyles Collection

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

My Blog List

Blog Archive